𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗨 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗠𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦𝗢

Dahil sa mataas na kaso ng trangkaso ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan muling nagpaalala ang mga health authorities na magsagawa ng mga preventive measures upang makaiwas sa mga posibleng sakit gaya ng trangkaso.

Sinabi ni DOH-CHD1 Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis na kapag hindi sumusunod sa mga itinalagang public health standards gaya ng pagsusuot ng facemask at ang pagluwag sa mga restrictions na kadalasang maraming tao ang gumagalaw ay isang dahilan kung bakit tumaas ang kaso ng trangkaso.

Ilan lamang sa mga kailangang gawin upang makaiwas sa sakit ay magpabakuna o kumuha ng Flu Vaccine sa mga Health centers o RHUs kung saan ibinibigay lamang ito ng libre.

Hinikayat din niya ang publiko na iwasan ang mga matataong walang maayos na bentilasyon dahil madaling kumalat ang mga airborne disease sa naturang mga lugar.

Dagdag pa rito ang tamang pagkain ng mga masusustansyang pagkain upang makakuha tamang nutrisyon.

Matatandaan na sa lalawigan ng Pangasinan ay mayroong mahigit tatlong libong kaso ng influenza like-illnesses ang naitala noong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments