Isinusulong ngayon ng grupo ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang pagpapagaan ng Teaching Load ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay TDC Chairman Benjo Basas, isinaad nito ang reyalidad na tila mas naging mahirap ang sitwasyon ngayong ng mga guro.
Diumano, kung dati ay nasa apat hanggang limang oras lamang ang pagtuturo ng mga ito, ngayon ay naging anim na oras.
Nilinaw nito na nakasaad sa R.A. 4670 o ang Magna Carta for Public School Teachers, na sila ay pwedeng magturo ng hindi lalagpas sa anim na oras. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments