Hinikayat ng tanggapan ng Cooperative Development Authority o CDA ang mga kooperatiba sa buong Region I pagdating sa paghahalal ng bagong mga lider o kanilang presidente taon-taon.
Sa ibinahaging pahayag ng ahensya sa naganap na Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency Region 1, mainam na taon-taon ay magkaroon sana umano ng mga bagong mamumuno upang mas malaman ang kakayahan ng bawat isa sa pamamahala ng mga kooperatiba.
Anila, madalas ang siste sa mga ito ay kung sino ang naunang ihinalal ay nagtatagal ng ilang taon.
Makatutulong din umano ito upang mas maging maunlad ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malawakang oportunidad sa posible pang maging lider ng mga nasabing samahan.
Samantala, Ang CDA ay ahensya ng gobyerno na namamahala sa pagtataguyod at pagpapalago ng mga kooperatiba sa Pilipinas. Sa bisa ng Republic Act No. 6939 (Cooperative Development Authority Act), may awtoridad itong magrehistro ng mga kooperatiba sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨