Aprubado na ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa Dagupan City matapos ang mahaba at mainit na diskusyon sa Sangguniang Panlungsod.
Nagsagawa na ng inspeksyon ang miyembro ng lokal na Pamahalaan sa Brgy. Poblacion Oeste, A.B Fernandez West Ave. kung saan itatayo ang naturang ospital. Naglaan ang Department of Health ng 150 milyon na pondo para sa naturang pasilidad.
Ang Mother and Child Hospital ay Isang health facility na aalalay partikular sa mga nanay at bata sa lungsod pagdating sa usaping pangkalusugan. Sa naturang ospital walang gagastusin ang mga mahihirap na pamilya ng Dagupeños sa panganganak maging ang serbisyong medikal para sa mga bata.
Ang Mother and Child Hospital ay nakatakdang magkaroon ng 25 bed capacity ayon sa Department of Health. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨