𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔

Nakatakdang makipag pulong si Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa hanay ng Department of Public Work and Highways o DPWH kaugnay sa pagpapatuloy ng road elevation project sa Dagupan City.

Matatandaan na itinigil pansamantala ang pagpapataas ng kalsada upang magbigay-daan sa katatapos na Bangus Festival.

Ayon sa alkalde, sa ngayon ay nasa singkwenta porsyento pa lang na natapos ang nasabing project kaya hindi pa makita ngayon ang development nito.

Bagamat proyekto ng DPWH, tiniyak naman ng alkalde na nakatutok ito sa mga ginagawang proyekto sa Dagupan City upang mabantayan kung tama nga ba ang nagiging implementasyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments