𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗜𝗡𝗧𝗨𝗡𝗧𝗨𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗣𝗘 𝗟𝗔𝗪, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢

Mas pinalakas pa ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang iba pang government agencies sa pag-iimplementa ng Vape Law na may layong maprotektahan partikular ang mga menor sa dala nitong epekto sa kalusugan.

Sa ilalim nito, kinakailangan na lahat ng vape products at rehistrado sa ahensya.

Kasunod nito, wala na ring bagong brand ng mga vape products ang inaasahang makapapasok sa merkado ng Pilipinas bagamat kung may imbentaryo umano ay mabibigyan pa ng oras na itapon ang natitirang stocks.

Sa naganap din na Bantay Konsumer, Kalsada, Kuryente (BK3) Forum, inihayag ni DRI Usec. Amanda Nograles na ang importasyon ng vaporized nicotine at non-nicotine, maging ang novel tobacco ay kailangang sumailalim sa DTI certification process.

Sa Dagupan City, kamakailan isinagawa ng DTI Pangasinan ang monitoring at enforcement ng RA 11900 kung saan pinayuhan ang mga establisyemento na tumalima sa nakapaloob na batas tulad na lamang ng pagsunod sa age vertical mechanisms, at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments