𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔

Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Manaoag ang pinal na version ng ipapatupad sa bayan ng Manaoag.

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing traffic ordinance.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan Kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, asahan umano ng mga kababayan ang nasabing pagbabago sa daloy ng trapiko roon sa oras na maipatupad ang nasabing traffic ordinance.

Layon ng nasabing traffic ordinance na paluwagin ang daloy ng trapiko doon at magkaroon ng iisang panuntunan kaugnay dito.

Ayon sa alkalde, ang nasabing traffic ordinance ay resulta ng kanilang naging pagpupulong at koordinasyon sa mga mamamayan ng bayan dahil na din sa dami ng mga bumibisita sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments