Hinihikayat ni Pangasinan 4th District Board member Jerry Agerico Rosario ang mga Local Government Units sa lalawigan na ipatupad rin ang nakabinbin ngayong panukala kaugnay sa paggamit at pagbebenta ng sigarilyo at vape sa lalawigan sakaling maipasa na ito.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan 4th District Board member Jerry Agerico Rosario, may mga bahagi naman na sa lalawigan ang may ordinansang katulad sa panukala gaya ng anti-smoking at anti-vaping ordinances ngunit mas mainam umano kung i-adapt rin ito ng lahat ng LGUs sa lalawigan.
Saad pa niya, kung sakaling maprimahan at maipatupad na ang naturang panukala, haharap sa karampatang parusa ang sino mang lumabag rito.
Hindi lang umano mga gumagamit at bumibili ang responsable at mumultahan kung hindi pati na rin ang mga nagbebenta nito lalo kung ang mga pinagbebentahan ay mga menor de edad o wala pa sa labing walong taong gulang.
Samantala, ang naturang panukala ay isa rin adhikain hindi lamang sa hanay ng kalusugan kung hindi pati na rin pagpapalaganap ng tamang impormasyon at awareness ukol sa mga masamang naidudulot rin ng vape sa katawan ng tao. |πππ’π£ππ¬π¨