𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Binibigyang prayoridad ngayon mga proyektong makakatulong sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura at mga magsasaka na kabilang sa ikalawang distrito ng Pangasinan.

Kasunod ito ng naganap na pagpupulong ng tanggapan ng namumunong kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan kasama Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), National Irrigation Administration (NIA), at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tinalakay sa pagpupulong ang inihahandang mga proyekto tulad ng pagsasaayos at pagkakaroon ng maayos na irigasyon at iba pang mga programang nakaayon sa pagpapalakas ng agrikultura.

Samantala, sakaling maisakatuparan, mapapakinabangan ito ng mga magsasaka sa nasabing distrito bilang isa ang lipon sa binibigyang prayoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments