𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗜 𝗨𝗦𝗘𝗖. 𝗧𝗘𝗢𝗙𝗜𝗟𝗢 𝗚𝗨𝗔𝗗𝗜𝗭 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡

Nagpapatuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon ng pnp sa naganap na panloloob sa bahay ng mga magulang ni Usec. Teofilo Guadiz III sa Dagupan City.
Kasabay nito ay Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga taong nanloob sa bahay kung saan ay tinatayang nasa anim hanggang pito katao ang mga ito.
Sa pinakahuling impormasyon na nakalap ng ifm dagupan mula Kay PNP Dagupan Chief Of Police Lt. Col. Brendon Palisoc, kasalukuyang nakikipag-ugnayan na sila sa mga adjacent establishments na may mga CCTV na posibleng makatulong sa imbestigasyon.

Malinaw naman umano na hindi talaga pagnanakaw ang pakay ng mga ito dahil wala naman Silang kinuha bagkus pagpasok ng mga suspeks sa bahay ay tinanong ang kasama sa Bahay na naglalaba kung nasaan ang amo nito at Tila tiniyak talaga ng mga ito na wala doon ang taong hinahanap at ang tanging nakita lang ay ang ina ng opisyal.
Dahil wala naman umanong kinuha o sinaktan at patuloy pa ang pagkalap ng mga dagdag na impormasyon sa motibo ng panloloob kung saan dalawa hanggang tatlo sa mga ito ay nakitang may nakasukbit sa bAywang na tila baril.
Nauna na Ring sinabi ni Usec. Guadiz na posibleng personal ang motibo sa insidente bagama’t hindi pa alam kung ano ang tunay na dahilan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments