𝗣𝗔𝗚𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗨𝗠𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗔𝗟𝗬𝗦𝗧

Naniniwala ang isang Political Analyst na personality-based umano ang pagpili ng mga Pilipino sa mga susunod na lider ng bansa.

Ito ay matapos lumabas ang 2025 Senatorial Survey ng Pulse Asia kung saan makikita na tila hindi naging matalino ang mga Pilipino sa pagpili ng mga susunod na Senador.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Atty. Edward Chico, batid nitong may mga nahahalal na kuwestiyonable at hindi umano pinag-isipang mabuti ang pagpili

Dagdag ni Atty. Chico, naobserbahan umano nito na hindi lamang ang Pilipinas ang politically immature maging ang ibang bansa.

Naging daan umano ang kapangyarihan ng social media upang mabago ang kaisipan ng mga botante sa pagpili ng iboboto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments