𝗣𝗔𝗚𝗣𝗥𝗢𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗟𝗔𝗬𝗘𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡

Mas Naghigpit ngayon ang pamunuan ng Philippine Statistics Authority Region 1 ukol sa pagproproseso ng Delayed Registration of Birth matapos umusbong kamakailan ang pagkaka diskubre ng fake birth certificate.

Ayon kay PSA Region 1 Regional Director Atty. Sheila De Guzman, naglabas umano ang kautusan na nagdagdag sa nauna nilang guidelines sa pag -issue ng Delayed Registration of Birth.

Aniya, mas strikto umano ngayon ang tanggapan sa mga requirements para sa pagpaparehistro upang masigurong maiiwasan ang mga lumalabas na pekeng dokumento.

Bumibisita rin ang Local Civil Registry Office sa mga barangay upang patunayan o beripikahin ang pagkakakilanlan at kapanganakan ng isang tao.

Isa na rin sa requirement ngayon sa pagkuha ng delayed registration of birth ay ang kanilang National Id.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments