𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗢𝗡-𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛

Isinagawa ng Department of Public Works and Highways ang Bagong Pilipinas Townhall Meeting, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. upang maiangat ang citizen participation.

Bukod dito, ang naturang pagpupulong ay isinagawa upang hingin ang opinyon at alalahanin ng mga mamamayan na maaapetkuban ng on-going road project.

Ang naturang proyekto ay may layunin na pagdugtungin ang bayan ng San Manuel, Pangasinan at Itogon, Benguet.

Kabilang sa tinalakay sa naturang pulong ay may kinalaman sa project alignment at Right-of-Way Act requirements. Ayon sa tanggapan, siniguro nila na ang mga alalahanin at mungkahi ng mga naapektuhan na residente sa Planning and Design Division bago pa simulan ang proyekto sa kanilang lugar.

Dagdag ni DPWH Regional Office 1 Director Ronnel M. Tan, isa lamang ang isinagawang Town Hall meeting sa mga stakeholders consultation events na isinagawa ng tanggapan upang mapantay ang kooperasyon ng publiko sa nation building. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments