Cauayan City – Bukod sa mga nakalatag na proyekto, isa sa mga prayoridad ngayon sa Carabatan Bacareño ay ang pagrehistro ng mga residente sa pagboto.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Chairman Hon. Flordeliza Salvio, kinikilala niya ang kahalagahan ng pagiging rehistrado sa pagboto.
Aniya, may mga residente pa rin mula sa kanilang barangay partikular na ang mga kabataan ang hindi pa nakakapag-rehistro kaya’t gumagawa ito ng paraan upang sila ay makapag rehistro sa COMELEC.
Sinabi ni Kapitan Salvio na ginagamit nila ang BRO Truck ng kanilang barangay upang may masakyan ng libre ang mga ito patungo sa COMELEC.
Dagdag pa nito, malaking tulong ang pagpaparehistro pagboto dahil bukod sa karapatan ito ng bawat tao, makakatulong rin ito upang makatanggap sila ng tulong mula sa Gobyerno.