𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗗𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Masusing sinasala ng Pangasinan Provincial Certification Board at National Police Commission (NAPOLCOM) Region 1 ang aplikasyon ng mga PNP Personnel sa lalawigan na nagnanais maging imbestigador.

Ang naturang certification program ay nakasaad sa Memorandum Circular No. 2020-006 na gawing propesyonal ang mga nasa field investigation.

Tinitiyak ng certification board na sumusunod sa itinakdang requirements at may angkop na kasanayan ang bawat aplikante bago irekomenda sa regional certification board.

Sa kasalukuyan, nasa pitong imbestigador mula sa Pangasinan ang aprobado na ng National Certification Board at ganap na bilang Certified Investigators, Case Managers and Detectives. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments