𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗔𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗚𝗢 𝗖𝗛𝗜𝗖𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗚𝗨𝗥𝗢

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagsasaayos ng drainage system at ang road elevation sa sa Sitio Caricaan, Brgy.Pogo Chico na madalas makaranas ng pagbaha.

Matagal na umanong idinadaing ng mga residente ang naturang problema dahil sa apektado na ang kanilang kalusugan at paghahanap buhay sa tuwing may bagyo na sinasabayan pa ng high tide.

Ininspeksyon na ng lokal na pamahalaan ang naturang sitio upang maihanda ang mga gagamitin sa konstruksyon sa ilalim ng programang ‘Operation Sitio’.

Samantala, kasabay ng inspection ang pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng sama ng panahon sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments