𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗕𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗘𝗦𝗧𝗘, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦

Nanawagan ngayon ang Barangay Council ng Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan na mapabilis ang pagsasaayos ng kalsada at drainage system sa bahagi ng Don Martin Samson Road.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Brgy Captain Mark Anthony Gutierrez, nag-umpisa ang halos tatlong milyong pisong proyekto noong buwan ng Hulyo at target na matapos ngayong buwan ng Nobyembre.

Aniya, perwisyo ang hatid nito sa halos isang libong residenteng nakatira sa paligid ng nasabing kalsasa. Dagdag pa ni Gutierrez na binungkal agad ng contractor ang kalsada na nakakaapekto sa pagdaan ng mga residente.

Panawagan ng opisyal ang karagdagang personnel sa konstruksyon ng proyekto upang mapabilis ang pagsasaayos nito.

Ayon kay Gutierrez, nakausap nito ang contractor ng proyekto at sinabing maaatras ng ilang araw ang

Sinabi umano ng contractor ng proyekto sa kapitan ng barangay na maantala ang pagtatapos ng konstruksyon dahil sa naranasang pag-uulan noong mga nakaraang linggo.

Samantala, nasa higit kumulang tatlong milyon ang inilaang pondo para sa pagsasaayos ng kalsada at drainage system sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments