๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ง๐—›๐—ค๐—จ๐—”๐—ž๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—”๐—•๐—œ, ๐—›๐—œ๐—ก๐—œ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ข๐—–๐—— ๐—ฅ๐Ÿฌ๐Ÿฎ

CAUAYAN CITY – Hinihikayat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 02 ang lahat ng LGU sa rehiyon na magsagawa ng earthquake drill sa gabi.

โ€ŽAyon kay OCD Regional Director Leon Rafael, bagama’t may isinasagawang quarterly na earthquake drill, mahalaga rin na gawin ang hakbang sa gabi dahil maaaring tumama ang lindol anumang oras.

โ€ŽSa ganitong paraan, mas magiging handa at maalam ang komunidad sa mga ganitong sakuna.

โ€ŽTinututukan rin ng ahensya ang pagpapalakas ng paghahanda sa banta ng lindol at tsunami.

โ€ŽIbinahagi rin nila na nakikipag-ugnayan sila sa PHIVOLCS at iba pang ahensya upang makagawa ng tsunami simulation, matukoy ang mga apektadong lugar, at magplano ng ligtas na evacuation centers.

Facebook Comments