Isasagawa ang pagsasanay ng mga bagong Barangay Health Workers sa Pangasinan upang mapabilang sa listahan ng mga kwalipikadong BHWs.
Ayon kay BHW Provincial Federation President Alegria Almajano, nararapat lamang umano ito upang malaman ng mga BHW ang mga programa ng Department of Health bilang sila ang kaagapay ng tanggapan sa pagpapatupad ng usaping pangkalusugan sa mga barangay.
Ilan sa mga saklaw ng naturang training ay may kinalaman sa First Aid and Basic Life Support, Child Health ang Immunization Program at Nutrition Program.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 11,00, na BHWs ang Pangasinan na katuwang ng kagawaran ng kalusugan upang maimplementa ang mga programa.
Nakatakdang ilunsad ang pagsasanay sa bayan ng Asingan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments