𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗠𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Sumailalim sa fire safety measures ang ilang opisyal ng barangay sa bayan ng Bautista bilang bahagi ng programang Household Emergency Responsible Officer o Project HERO.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Bautista, layunin ng naturang proyekto na magbigay kamalayan at kaalaman sa panganib at dahilan ng sunog upang maibahagi sa komunidad ang agaramg pagresponde sa tuwing may sunog sa kanilang lugar.

Sa ilalim ng naturang proyekto, itinuro sa mga Sangguniang Kabataan, Barangay Health Workers, at mga volunteers ang tamang paggamit ng fire extinguisher at pagsasagawa ng drills sa aktwal na insidente ng sunog.

Hinikayat ng tanggapan ang publiko sa aktibong partisipasyon sa naturang programa upang maiwasan ang sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments