Asahan na umano ang pagsipa sa presyo ng itlog sa Pangasinan ngayong papalapit ang holiday season ayon sa ilang tindera at retailers.
Matatandaan na nitong buwan ng Nobyembre, naramdaman sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ang pagbaba sa presyo kung saan mula sa pinakamura noong P7.50 ay mayroon nang nabibiling P6.50 sa kada piraso.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, taon-taon ay inaasahang tumataas ang presyo ng itlog kasabay ng pagtaas ng demand nito sa merkado.
Nananatili namang sapat ang suplay ng produkto para sa holiday season ayon sa Philippine Egg Board Association. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments