Posibleng maranasan ng mga consumers ang muling pagsirit sa presyo ng bigas kahit pa nananatili na itong mataas sa kasalukyan.
Ayon sa pamunuan ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, maaaring tumaas ng nasa ₱2 ang kada kilo ng presyuhan sa bigas at isa umano sa kinokonsiderang salik ay mataas ding presyo nito sa internasyonal na merkado.
Isa pang salik ay ang patuloy umanong tumataas na presyo ng palay at sa ngayon, naglalaro ang farm gate price nito sa ₱27 at kung naidaan na sa miller ay pumapalo ito sa ₱31.50.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Agriculture o DA na mas pag-iigtingin umano ng ahensya ang monitoring sa magiging kalagayan ng presyo nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments