Mas pinag-iigting pa ng the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang pagsugpo sa suliranin ng iligal na droga sa lalawigan ng Pangasinan.
Alinsunod ditto ang nagpapatuloy na mga interbensyon at aksyon upang suyurin ang lahat barangay ng mga bayan at lungsod sa probinsya sa layunin nitong maideklara ang “drug-clear status” ng bawat lokalidad.
Nitong linggo lamang, kabilang na ang mga bayan ng Agno at Baustista sa pinakabagong dumagdag sa listahan na drug cleared municipalities sa Pangasinan at kasunod nito ang paggawad ng drug-cleared status certification sa mga nasabing bayan.
Sa kasalukuyan, nasa labindalawang (12) bayan at lungsod na lamang ang natitirang hindi pa drug cleared at nananatiling ang tatlumpu’t-dalawa (32) ay malaya na iligal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨