Nagsagawa ng follow-up inspection ang Sanitary Office ng Manaoag sa poultry farm sa Barangay Babasit na inireklamo kamakailan dahil sa sangkaterbang langaw.
Tiniyak ng tanggapan na sinusunod ng tinukoy na poultry farm ang mga itinakdang sanitary guidelines upang maiwasang maulit ang reklamo ng mga residente dahil sa sangkaterbang langaw.
Nilibot ng mga kawani ng Sanitary Office ang naturang poultry farm upang makita na may kaukulang kagamitan at pasilidad ang poultry farm tulad ng lambat sa mga kulungan at designated disinfection area para sa mga empleyado.
Kaugnay nito, nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan ang pagpapaigting ng safety measures upang maiwasang makaapekto sa kalusugan ng mga residente.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments