Muling ipinaalala ng Department of Agriculture Regional Field Office I ang pagsunod sa strict security measures ng mga magbabalak na bumalik sa pag-aalaga ng baboy sa kabila ng banta ng African Swine Fever.
Inihayag ng Department of Agriculture RFO1 na maaari nang mag-alaga ng baboy ngunit maging mas maingat sa pag-aalaga dahil mayroon pa ring banta ng African Swine Fever kahit wala pang naitalang bagong outbreak sa ngayon ang rehiyon.
Ibayong pag-iingat at pagtitiyak na masusunod ng mga hog raisers ang mga security measure upang maiwasan na madapuan ang mga alagang baboy ng naturang sakit.
Sa kasalukuyan data na inilabas ng tanggapan, nasa dalawampu’t isang bayan sa rehiyon ang nasa red zone area o infected area dahil sa ASF. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments