𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Kapansin-pansin ang mahigpit na pagtalima ngayon ng mga drivers at operators sa Dagupan City sa pagsuot ng face mask hindi lang dahil sa banta ng COVID 19 at influenza like illnesses pati na rin sa nararanasang air pollution ngayon.
Pangamba ng mga ito ang kapal ng alikabok bunsod na mga road projects na kasalukuyan ang konstruksyon partikular sa kahabaan ng Arellano St. sa lungsod.
Kasabay pa ng polusyon sa alikabok ay ang maitim at mabahong usok ng ilang mga bumabyaheng sasakyan.

Mas ramdam din daw ngayon ang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa umiiral na one way traffic scheme at mas makitid na kakalsadahan lalo na kaliwa’t kanan na ang pagsasaayos sa mga daanan.
Samantala, bagamat para sa ilan maabala raw at hindi sanay ang pagsuot sa face mask, mas mainam daw ito upang makaiwas sa anumang maaaring maging banta sa kanilang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments