Mas pinag-iigting ngayon ng mga health authorities at mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapaalala sa pagsusuot ng face mask kasunod ng tumataas na kaso ng Pertussis sa bansa.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang nito lamang March 23, pumalo na nasa 862 ang bilang ng kasong tinamaan ng sakit na Pertussis.
Umakyat na rin sa halos 50 sa mga ito ang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nakapagtala na rin ang Provincial Health Office (PHO) ng tatlong kaso nito partikular na sa mga bayan ng Sto. Tomas, San Nicolas at Urdaneta City.
Kaugnay nito, tinututukan ngayon ng DOH ang pagtugon dito sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagdating ng 5n1 vaccine sa lalong madaling panahon sa gitna ng kinakaharap ngayon na pandaigdigang shortage ng bakuna.
Dagdag pa paghimok sa mga magulang na may mga batang anak ukol sa nararapat na pagkakaroon ng kinakailangang mga bakuna para sa mga anak.
Ang publiko, mainam na magsuot ng face mask lalo na sa open areas kung saan dagsa ng matataong lugar dahil ang Pertussis ay highly-transmissible o mataas ang tyansang maisalin sa pamamagitan ng respiratory droplets ng infected na tao, sa kanilang pagbahing man o pag-ubo.
Samantala, ugaliin din ang pagpapakonsulta kung makaranas ng sintomas nito lalo na ang ubong tumatagal ng higit sa tatlong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨