Ipinauubaya na ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Lingayen ang desisyon ng suspension ng face to face classes sa bayan dahil sa patuloy pagkakatala ng mainit na panahon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, Sinabi nito na patuloy na nakatutok ang lokal na pamahalaan sa sitwasyon ng init ng panahon sa bayan.
Sa katunayan ayon sa alkalde ay nagpulong na ito kasama ang pamunuan ng DepEd upang mapag usapan ito.
Naiintindihan niya aniya ang hinaing ng mga magulang Pero naniniwala din ito sa kakayahan ng mga guro at school administrators na alamin kung dapat nga bang mag suspinde ng klase o hindi.
Nanindigan naman ito na hindi sila sasabay sa mga LGU na nagsuspinde ng klase dahil may power naman ang DepEd na gawin ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨