Mas pinaigting pa ngayon ng hanay ng Department of Health – Center for Health Development Ilocos Region ang pagsusulong sa immunization activities at iba pang uri ng bakunahan laban sa mga naglipanang sakit na maaaring makuha ng mga bata.
Ilan lamang sa mga posibleng sakit na maaaring tumama sakaling hindi bakunado ang bata ay ang Tigdas, Pertussis, Hepatitis B, Tigdas Hangin, Diphtheria, Tetanus, Pulmonia, Meningitis, at Polio.
Matatandaan na isa ngayon sa mahigpit na tinututukan ng health authorities ang pagtaas sa kaso ng Pertussis maging pagbabantay sa kaso pa ng Measles o Tigdas na karaniwan sa mga bata.
Samantala, sa Pangasinan, tiniyak din ng Pangasinan Provincial Health Office ang pag-antabay sa kalagayan ng mga nabanggit ng sakit sakaling madagdagan o makapagtala nito sa lalawigan. |πππ’π£ππ¬π¨