𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗚𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗜𝗧𝗘

Patuloy ang usad ng pagsusulong ng House Bill 8623 o ang proposed Philippine Nuclear Liability Act na pinangungunahan ni 2nd District Representative Cong. Cojuangco ng Pangasinan na siya ring Chairman sa Special Committee on Nuclear Energy.

Tinalakay ang may kaugnayan sa usapin ng civil liabilities maging ang nararapat kabayaran sa kung may posibleng pinsala na maidudulot nito.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng kongresista sa iba’t-ibang mga nuclear related agencies sa loob at labas ng bansa.

Samantala, matatandaan na nais itong maipatayo sa bayan ng Labrador, dito sa Pangasinan sakali muli itong maisabatas na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments