𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗢𝗙 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 (𝗣𝗣𝗔𝗡) 𝗣𝗢𝗞𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Ilulunsad sa probinsya ng Ilocos Sur ang pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ayon sa National Nutrition Council Region 1.

Pokus ng selebrasyon ang maayos na implementasyon ng Plan of Action for Nutrition of PPAN na layong mawakasan ang problema sa malnutrisyon.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay NNC OIC Program Coordinator Kendal A. Gattan, layunin ng PPAN na mawakasan ang malnutrisyon sa pamamagitan ng pagsisikap ng pamahalaan, NGOs at iba’t-ibang sektor.

Ang PPAN ay nagpapatupad ng estratehiyang gumagamit ng whole of society approach na kasama ang iba’t-ibang stakeholders upang matiyak na tama ang implementasyon nito.

Sinabi ng opisyal na patuloy na bumababa ang malnutrisyon sa rehiyon dahil sa kanilang datos noong 2023, dahil ang stinting rate o pagkabansot ay nasa 2.52% lamang at ang apat na probinsiya ay nasa below 5%lamang. Indikasyom umano ito na gumaganda ang estado sa paglaban kontra malnutrisyon sa Region 1.

Nanawagan din ang ahensya sa iba pang sektor sa rehiyon na paglaanan ng pondo ang pagtulong sa nutrisyon ng bata at buntis dito.

Samantala, maraming inilatag na aktibidad ngayong buwan gaya ng nutri jingle making contest, food fair exhibits at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments