Mahigpit na ipinagbabawal ngayon sa mga residente ng lungsod ng Alaminos ang ukol pagsusunog ng mga basura.
Ito ay alinsunod sa Ordinance No. 2014-16, Zero Waste Ordinance of the City of Alaminos kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog sa mga basura.
Ang sino mang lumabag sa naturang ordinansa ay haharap sa karampatang parusa kung saan nagkakahalaga ng P300 hanggang P1,000 multa o di lalagpas sa 1-15 araw na pagkakakulong ang napatunayang nagsisiga.
Kung sakali man na may lumabag at makikitang nagsusunog ng basura ay agad umanong ipagbigay alam sa mga barangay officials sa kanilang mga barangay upang mabigyan ng karampatang aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments