Posibleng maranasan ang pagtaas sa presyo ng bigas sa kabila ng harvest season ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa grupong Bantay Bigas, maaari itong maranasan sa merkado sa mga susunod na buwan.
Nahaharap din ngayon sa krisis ang ilang produksyon ng mga pangunahing bilihin dahil sa bantang dala ng El Nino Phenomenon sa sektor ng Agrikultura.
Ayon din sa pamunuan ng National Economic and Development Authority o NEDA, posibleng maapektuhan ang presyuhan ng pangunahing produkto tulad ng bigas dahil dito.
Sa datos ng Department of Agriculture, nasa 36% ang itinaas ng locally regular milled rice sa nakalipas na isang taon.
Sa kabila nito, naniniwala ang DA na makatutulong ang harvest season sa magiging presyuhan ng bigas sa merkado.
Sa Pangasinan, patuloy na nararanasan ng mga consumers ang bahagyang pagbaba ng presyo sa kada kilo ng binibiling bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨