Friday, March 6, 2026

𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔!

Cauayan City – Ramdam na ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa lungsod ng Cauayan ilang araw matapos ang pag-anunsyo ng pagtaas nito bunsod ng tumitinding tensyon sa Gitnang silangan.

Ilang araw pa lamang simula ng ipatupad ng oil companies ang higit pisong umento sa presyo ng petrolyo subalit muli nanaman nagkaroon ng pagtaas ngayon sa ilang gasulinahan.

Sa lungsod ng Cauayan, sumipa na sa higit P70 kada litro ang diesel sa ilang mga gasulinahan katulad ng Shell, Royal Class, Fuel Maxx, Queens, at iba pa, habang nananatiling nasa P62 naman ang kada litro nito sa Petron.

Samantala, ang kerosene at gasulina ay nasa higit P60 pesos na rin ang presyo sa mga nabanggit na gasulinahan.

Ayon sa monitoring ng Department of Energy lumalabas sa unang tatlong araw ng trading sa world market na nakaamba ang muling pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pinakabagong update, inaasahang papalo sa P15/litro ang dagdag sa diesel, P7/litro naman sa gasolina, habang P28/litro ang kerosene.

Posible pa namang magbago ang galaw ng presyo sa mga susunod na araw at tiniyak rin ng kagawaran na kung sakali man na may big time oil price hike, hindi ito gagawing isang bagsakan.

Samantala, marami naman sa mga motorista sa lungsod ng Cauayan ang pumipila at sinasamantala ang mababang presyo ng petrolyo sa ilang gasulinahan na hindi pa nagpapatupad ng pagtaas.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments