𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗜𝗟𝗬 𝗪𝗔𝗚𝗘 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗢 𝗔𝗧 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗖𝗧 𝗢𝗙 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗣 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡

Tinalakay sa naganap na physical session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang kaugnay sa daily wage rate ng mga incoming newly hired at contract of service workers sa Pangasinan government.

Alinsunod dito ang inihain ni Board Member Jerry Rosario na Ordinance 52 Series of 2024 o ang Prescribing Daily Wage Rate of newly hired Job Orders and workers in the Provincial Government of Pangasinan.

Pinag-usapan sa pangunguna ng Human Resource Development Office Head ang mga nakapaloob na kaalaman kaugnay dito tulad ng daily wage rate ng mga empleyado sa ilalim ng circular ng Civil Service Commission, Commission on Audit at Department of Budget amd Management sa kabila ng status ng mga ito sa gobyerno maging ang siste sa renewal partikular ng mga Job Order.

Iminungkahi rin ng isang Board Member na ipabilang sa inihaing resolusyon ang kahulugan at pagkakaiba ng mga tukoy na manggagawa at kung sino sino umano ang maapektuhan ng naturang ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments