𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗬𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Naganap ang isang pulong sa lalawigan ng Ilocos Sur na pinangunahan ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Region 1.

Inilatag ang iba’t-ibang inihahandang programa, proyekto, at pagtugon sa mga kinakaharap na problema ukol sa kaayusan at kapayapaan sa buong probinsya.

Mas pinag-iigting din ngayon ang Anti-Criminality Campaign, Anti-Illegal Drugs Campaign sa pamumuno ng PDEA Region I, Anti-Insurgency Campaign ng Armed Forces of the Philippines and Public Safety mg Bureau of Fire Protection Region 1.

Dinaluhan ang naturang pulong ng mga lokal na gobyerno ng lalawigan, iba’t-ibang ahensya, at civil society groups. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments