𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗛𝗘𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗪𝗜𝗡𝗘𝗦𝗧𝗬𝗢𝗡

Kinuwestyon sa Sangguniang Panlungsod session sa Dagupan City ang inihaing committee report ukol sa pagtatalaga ng bagong Head ng City Agriculture Office ng lungsod.

Si Ms. Mary Ann Solomon ang bagong talagang head ng City Agriculture Office na di umanoy hindi maganda ang iniwang rekord sa dati niyang tungkulin sa gobyerno ayon sa ilang miyembro ng SP.

Ayon sa mayorya, ilang mga reklamo at petisyon mula sa kanyang mga former employer ang inihain laban sa kanya.

Giit pa nila na mas mainam kung bonafide resident o kung mula sa siyudad ang uupong head sa anumang departamento.

Pagdepensa naman ng minorya na diskresyon ng alkalde ng lungsod ang anumang pagpapasya ukol sa pagtalaga rito bilang Department head ng tanggapan.

Binigyang diin din ng minorya na pinipili umano nang maigi ang mga nanunungkulan sa gobyerno upang matiyak ang maayos na pamamalakad.

Samantala, inaasahang tatalakayin pa sa committee hearing ang naturang isyu upang mabigyang linaw ang naturang usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments