Nanawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa gobyerno ng Pilipinas na ipagtanggol ang mga dukhang mangingisda at pigilin ang pagkasira ng yamang dagat sa isinagawang Marian Prayer Voyage para sa West Philippine Sea kahapon sa Barangay Cato, Infanta Pangasinan.
Ang Marian Prayer Voyage ay inilunsad upang maisulong ang mapayapang pagresolba sa usaping agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa naging mensahe ni Archbishop Villegas, ang kalikasan ay hindi pagmamay-ari ng kung sinuman na pwedeng waldasin ng kung sinumang mandarambong.
Aniya, kinakailangan na magkaroon ng sense of urgency ang gobyerno sa panahon ng krisis dahil tayo ngayon ay nasa continental conflict. Ķahit kailan umano hindi giyera ang solusyon kundi diplomasyang pakikipag usap na nirerespeto ang batas at nakabase sa katotohanan.
Dagdag pa nito, ipinagdarasal natin ang ating bansa maging ang bansang China na manaig sakanila ang kapayapaan na siyang turo ng di umanoy Chinese Wise men.
Matapos ang misa Sinundan naman ito ng fluvial procession sa Dasol Bay kung saan sakay ng 200 ang higit isang libong debotong katoliko na pumalaot habang nagrorosaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨