Inihayag ng PAGASA ngayong araw, June 7, 2024 ang pagtatapos ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng weather bureau, ito ay matapos ang pagbabalik sa El Niño Southern Oscillation (ENSO) neutral levels ng kondisyon sa tropikong bahagi ng Pacific Ocean.
Sa kabila ng umiiral ng ENSO, patuloy umanong makararanas ng mainit na panahon at below normal rainfall sa iba’t-ibang bahagi sa bansa.
Samantala, inaasahan naman ang ang pagtransition ng neutral condition sa La Niña Phenomenon na may tsansang 69% sa darating na mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments