Posibleng matatapos na ang El NiΓ±o Phenomenon sa darating na buwan ng Hunyo ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ayon kay PAGASA chief Nathaniel Servando, bagamat humina na ito ay patuloy pa ring mararanasan ang epekto sa mga susunod pang araw.
Sa kasalukuyan, ilang bahagi sa bansa tulad ng Pangasinan ay nakaranas na ng kalat-kalat na mga pag-uulan o mga localized thunderstorms.
Matatandaan na sa pinakahuling tala ng awtoridad, pumalo na sa higit apat na bilyong piso ang danyos ng El NiΓ±o sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng state weather bureau at mga concerned agencies and departments ang parating na La NiΓ±a Phenomenon. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments