𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟵-𝟯𝟭

Nakatakdang isagawa mula May 29-31 ang mga moving up ceremonies at graduation rites sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Matatandaan na ipinag-utos kamakailan ang pagtatapos sa mga naturang petsa upang magbigay-daan sa muling pagbabalik ng old school calendar.

Dahil dito, puspusan ang naging paghahanda ng mga mag-aaral at mga guro upang mabigyan ng pagkilala ang magsisipagtapos sa nagdaang school year 2023-2024.

Samantala, matatandaan din ang pagpapaalala ng Kagawaran ng Edukasyon sa Ilocos Region ang ‘No Collection Policy’.

Mahigit isang daang libo naman ang inaasahang magtatapos sa elementarya at high school sa buong rehiyon.

Samantala, nakatakdang magbalik sa old school calendar ang mga pampublikong paaralan na mag-uumpisa sa July 29 at maagang magtatapos sa April 15, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments