𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗘𝗖𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗞, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗬𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗔

Nalalapit na ang pagtatapos sa Pangasinan Eco Park kung saan isa sa itinuturing na malaking bahagi ng pagpapalakas ng turismo sa probinsya.

Ang dalawampung ektaryang eco park na ito ay proyektong makikita sa Barangay Cayanga, Bugallon kung saan nasa limampung porsyento na ang progreso nito.

Ang Pangasinan Eco Park ay parte ng Green Canopy Program ni Governor Ramon Guico III kung saan naglalayon rin na makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan ukol sa environmental preservation.

Ang mga halaman at punong itatanim sa eco park ay lalagyan ng mga label para sa sapat na pagkakakilanlan sa mga ito lalo na sa mga batang magbabalak na mag field trip sa lugar.

Ayon naman sa project implementer ng Pangasinan Eco Park, Pat Orduña, magkakaroon rin umano ng cable car ride at shooting range para sa iba pang aktibidad na maibibigay ng naturang eco park.

Samantala, sinimulan ang Pangasinan Eco Park project noong August 2023 at nakatakdang buksan sa publiko sa taong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments