Kabilang sa inihahanda ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagtatatag ng Justice Zone sa lungsod.
Alinsunod dito, nakibahagi sa pangunguna ng alkalde ang LGU Dagupan sa isinagawang Development Planning Workshop ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC).
Tinalakay dito ang iba’t-ibang mga usapin at kaalaman na nakapaloob sa pamamahala ng hustisya at ang pagpapaigting nito katuwang ang mga legal institutions tulad ng mga Supreme Court, Department of Justice (DOJ), at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa buong bansa, umiiral ang Justice Zones sa sa Quezon City, Cebu, Davao, Angeles, Bacolod, Naga, Calamba, Balanga, Baguio, Zamboanga, Tagaytay City at Puerto Princesa at inaasahang magtatatag din ito sa Dagupan City.
Layon nitong palakasin ang sistema sa hustisya upang makamit ang pagkakapantay pantay ng bawat isa sa kabila ng kinabibilangang estado sa buhay at makabuo ng isang ligtas na lokalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨