𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Pinag-aaralan na ng Department of Health Region 1 ang pagtatayo ng ikatlong ‘Bagong Urgent Care and Ambulatory Service’ o BUCAS sa Ilocos Region.

Ayon kay Dr. Paula Paz Sydiongco, Regional Director ng DOH 1, sa kasalukuyan mayroon ng dalawang BUCAS Center sa Region 1 na matatagpuan sa Ilocos Norte at La Union at ngayon planong palawigin pa ito sa Ilocos Sur at Pangasinan.

Bahagi ito ng DOH Modernization for Health Equity na kaakibat sa pagpapatupad ng 8-point Action Agenda para sa kalusugan ng bawat indibidwal.

Sa BUCAS Center maari nang magpakonsulta, magpagamot at makatanggap ng samu’t-saring out-patient health services gaya na lamang ng laboratory testing at ambulatory surgical procedure. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments