Iminungkahi ngayon ng ilang mga mambabatas ang pagtiyak sa mas mataas na kalidad ng produktong bigas sakaling mapapayagan nang magbenta ang National Food Authority (NFA) sa merkado.
Kasunod ito ng pinabibilis na pag-amyenda sa Republic Act No. 11903 o Rice Tariffication Law kung saan mabibigyan ng awtoridad ang Department of Agriculture at National Food Authority na makialam sa merkado ng palay at bigas upang mastabilize ang presyo nito.
Tiwala si Davao Oriental Representative Cheeno Almario na mag-aalok ang NFA ng magandang kalidad ng bigas lalo na at nakabantay ang Kongreso.
Ayon din kay PBA Partylist Representative Migs Nograles, hindi naman umano magloloko ang ahensya pagdating sa pagbebenta ng bigas dahil madali lang naman umano ang magsumbong.
Samantala, alinsunod ito sa target ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng bigas at magkaroon ng mas mababa pa sa trenta pesos na presyo nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨