Sunday, February 15, 2026

‎𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗗-𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗚𝗢𝗩.  𝗔𝗟𝗕𝗔𝗡𝗢


‎Cauayan City – Sinang-ayunan ni Isabela Governor Rodito T. Albano ang hakbang ng pambansang gobyerno na tugunan ang kakulangan sa silid-aralan sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DepEd at ibang gobernador noong Pebrero 11 sa Malacañang Palace.

‎Layunin ng kasunduan na pabilisin ang konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa, kung saan DepEd ang magbibigay ng disenyo, pamantayan, at pondo, habang ang mga lokal na pamahalaan ang mangunguna sa pagbili ng materyales at aktwal na konstruksyon.

‎Ayon sa DepEd, higit 145,000 silid-aralan pa rin ang kulang hanggang Disyembre 2025, dahilan para magsagawa ng klase sa pansamantalang lugar gaya ng basketball court o bukas na espasyo, at paminsang shifting schedule.

‎Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Gov. Albano na malaking hakbang ang MOA upang masigurong bawat batang Pilipino ay may ligtas at maayos na silid-aralan.

‎Source: Isabela PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments