𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy ang pagtugon sa mahabang pila sa mga ospital sa Pangasinan partikular sa Outpatient Department at Emergency room.

Nagsagawa ang pamahalaang Panlalawigan ng isang Mass Hiring ng Hospital Employees bilang pagtugon sa mahabang pila sa outpatient at emergency room sa bawat ospital sa lalawigan kung saan itatalaga ang mga bagong empleyadong na-hire sa labing apat na pampublikong ospital.

Nasa isang daan at walumpu’t limang indibidwal ang mga bagong empleyadong natanggap sa naturang mass hiring kung saan apatnapu’t apat rito ay doktor, siyamnaput siyam ang nurse, sampung pharmacist, anim na midwife, limang radiology technician, labing siyam na medical technician at dalawang dietitian.

Hanay mula sa kawani ng pamahalaang Panlalawigan ang nangasiwa sa naturang mass hiring na ito kasama ang ilan pang offices tulad ng Provincial Hospital Management System Office, Provincial Health Office, at Provincial Human Resource Management and Development Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments