𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Puspusan ang isinasagawang tulong at interbensyon ng Department of Agriculture – Ilocos Region hatid sa mga magsasaka sa buong Region 1.

Sa Pangasinan, tumanggap ang farmers association partikular sa bayan ng Mangaldan ng kagamitang pansaka upang matulungan ang mga ito na mapagaan ang pagsasaka maging ang target na mapataas ang produksyon ng kanilang mga ani.

Sa lalawigan ng Ilocos Sur, ipinamahagi ng DA ang P28.57M na halaga ng iba’t-ibang agricultural interventions sa mga farmers associations at cooperatives.

Sa Ilocos Norte, kabuuang P21M na halaga naman ng farm machineries at equipment ang naibigay sa mga magsasaka kasama pa ang P23.24M na agri-inputs.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng mga hakbangin, aksyon at interbensyon ang nasabing ahensya upang matulungan na matugunan ang suliranin na kinakaharap ngayon ng mga magsasaka sa rehiyon tulad na lamang ng epekto ng El Nino Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments