𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗟𝗚𝗨𝗦

Isusulong ng mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan katuwang ang mga ahensya at kawani sa sektor ng pangkalusugan ang mas epektibong pagpapalawig ng serbisyong medikal sa lalawigan.

Alinsunod ito sa ginanap na Consultative Planning Workshop for the Hospital Development Plans in Alignment to Universal Health Care na pinangunahan ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health Development (CHD).

Layon nitong matukoy ang ilan sa mga suliraning kinakaharap sa usaping pangkalusugan, estratehiya at solusyon. Ito ay nakaayon sa pagtataguyod ng Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040 na may layong mapalawig ang kabuuang healthcare system upang maibaba ang mas epektibo at episyenteng serbisyo para sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments