𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗢𝗟𝗢𝗢𝗕-𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Tiniyak ng hanay ng kapulisan sa Dagupan City ang pagtugon sa naglipanang kaso ng panloloob-bahay umano sa ilang bahagi sa nasabing lungsod.
Ayon sa Dagupan City PS, nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa mga nasabing insidente maging mga aksyong nagtataguyod ng kaligtasan sa bisinidad ng lungsod.
Kasunod nito ang paghimok sa mga Dagupeño na makipagtulungan at makipag-ugnayan ang mga ito sa pagpapanatili ng isang ligtas na lokalidad sa lalawigan.

Hinikayat din ang publiko na ugaliin ang pagberipika ng anumang impormasyong nakakalap lalo ngayong talamak ang tinatawag na fake news.
Samantala, bukas ang tanggapan ng Dagupan City Police sa kaugnay na mga insidenteng kung mangyaring maranasan o masaksihan ay ipagbigay-alam sa kanilang pamunuan at phone number na (0933-502-4899 and 0998-598-5121). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments